damage in agri sector due to ashfall
damage in agri sector due to ashfall

LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa mahigit dalawang milyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Albay dahil sa nagpapatuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.

Ayon kay Department of Agriculture Bicol Spokesperson Lovella Guarin sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naapektuhan ng naitalang mga ashfall ang ilang high value crop tulad ng mga gulay gayundin ang yellow corn, at fisheries sector na naapektuhan ang kalidad ng tubig sa mga fish pond.

Nabatid na mayroon pa namang mga pananim ang naisalba mula sa epekto ng abo subalit marami pa rin ang napinsala.

Apektado nito ang nasa 253 na mga magsasaka at nasa 19 na mga fisherfolks.

Ipinangangamba naman ng tanggapan na posibleng madagdagan pa ang naturang damages kung sakaling lumala pa ang sitwasyon at magpatuloy pa ang nararanasang pagbagsak ng abo.

Samantala, sinabi ni Guarin na nagpaabot na rin ng paunang tulong ang tanggapan sa mga naapektuhang magsasaka.