LEGAZPI CITY-Magpapadala ang Philippine Navy ng mga pinakamatibay na frigate o barko para sa tinatawag na ‘Kakadu exercise’ sa Australia.
Ang nasabing ‘Kakadu exercise’, ay parte ng multilateral agreement ng Pilipinas at Australia kung saan obligado ang bansa na lumahok.
Ayon kay Bombo International News Correspondent in Australia Denmark Suede, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na ipapadala ang mga bagong barko na BRP Miguel Malvar at BRP Diego Silang na nasa 3,200 tons at kumpleto sa sensors.
Aniya, pinagpipilian pa sa ngayon ng Philippine Navy kung alin sa dalawang barko ang ipapadala sa nasabing drill.
Dagdag pa ni Suede na pinapakita nito ang ‘interoperability’ ng Philippine Navy para makipag-ugnayan sa mga kaalyado kung magkaroon man ng gera.
Kasama rin sa mga bansang makikilahok rito ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Japan, South Korea, France at UK.
Magsisimula ang maritime exercise sa Australia sa Agosto hanggang Setyembre sa susunod na taon.











