Tuluyan ng ibinasura ng Supreme Court (SC) En Banc ang mosyon ng Mababang Kapulunga ng Kongreso na baliktarin ang desisyon noong Hulyo 25, 2025 na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang impeachment laban kay Vice President Sara Z. Duterte.
Punagtibay ng Korte Suprema ang unang pasya na nadedeklara ng Articles of Impeachment laban sa pangalawang pangulo bilang unconstitutional.
Hindi nakibahagi si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, habang naka-leave si Associate Justice Maria Filomena Singh.
Nilinaw ng Kataastaasang Hukuman na ang unang tatlong reklamo ay hindi naisama sa Order of Business sa loob ng itinakdang sampung session days.
Ipinaliwanag nito ang pagkakaiba ng dalawang paraan ng impeachment: ang una ay dumaraan sa proseso ng Committee on Justice.
Ang ikalawa naman ay agad na naisasakatuparan kung may pirma ng isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara.











