The Palarong Panlalawigan in Albay are all set to begin tomorrow, January 27.

LEGAZPI CITY – All set na ang Palarong Panlalawigan sa Albay na nakatakdang magsimula bukas, Enero 27.

Ayon kay Albay Schools Division Spokesperson Froilan Tena sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mahigpit ang naging koordinasyon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology upang masiguro na ligtas na maisasagawa ang sporting event lalo pa at nagpapatuloy ang aktibidad ng bulkang Mayon.

Siniguro naman umano ng tanggapan na hanggang hindi nagkakaroon ng major eruption ay maaaring isagawa ang naturang aktibidad.

Kabilang sa mga magsisilbing billeting areas ang Travesia Elementary School at Marcial O. Rañola Memorial School sa bayan ng Guinobatan.

Nabatid na nakahanda na rin ang lahat ng mga playing venues sa iba’t ibang mga bayan.

Ayon kay Tena na ang kada playing venue ay mayroong naka standby na medical team upang masiguro na ligtas ang mga atleta at deligado lalo kung magkakaroon ng ashfall o iba pang mga aktibidad ang Bulkang Mayon.