MV Devon Bay

Kasalukuyang nasa Maynila na ang 15 tripulanteng Pilipino na nakaligtas sa lumubog na M/V Devon Bay.

Lulan ang mga ito ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Teresa Magbanua.

Kasama ng mga nakaligtas na tripulante ay dumating na rin ang labi ng dalawang nasawi mula sa lumubog barko.

Matatandaan na naganap ang insidente noong Huwebes, Enero 22, 2026, sa bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang sanhi ng paglubog ng M/V Devon Bay.