LEGAZPI CITY- Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pangamba ng publiko na posibleng makaapekto sa aktibidad ng bulkang Mayon ang new moon o full moon.
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na bagamat mayroong basehan na posibleng maka apekto ang lunar thighs ay hindi ito ginagamit ng tanggapan sa volcano monitoring at forecasting.
Paliwanag ng opisyal na ang aktibidad ng bulkang Mayon ay dulot ng magma at gas processes sa bulkan.
Aniya, bagamat mayroong scientific concept na earth thighs kung saan ang pagbabago ng gravitational pull ay bahagyang lumalakas tuwing new moon o full moon subalit hindi ito gaanong nararamdaman.
Tinataya kasing nasa 0.1 hanggang 10 kilopascals lamang ito kumpara sa volcanic earthquakes o magmatic processes na inaabot ng megapascals ang sukat.
Dagdag pa ni Bacolcol na mas binabantayan nila ang mga parametro ng bulkan kaysa sa ganitong mga penomena na maaring magdulot pa ng takot sa publiko.










