LEGAZPI CITY-Ipinahayag ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na posibleng makaapekto sa power interuption sa probinsya kapag naglala at bumagsak ang mga abo o ashfall sa mga linya ng kuryente mula sa Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Electric Cooperative Spokesperson Anj Galero, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na posibleng makaapekto ito kapag may mga debris na bumabagsak sa mga linya ng kuryente.
Kapag naparami umano ang mga abo o ashfall na bumabagsak rito ay posibleng magkaroon ng trip off.
Kaya sa ngayon ay pinapapaalalahanan ng ahensya ang mga consumers malapit sa 6km permanent danger zone na makipagugnayan sa kanilang mga local government unit.
Samantala pinapaalalahanan pa rin ang lahat tungkol sa banta ng ashfall sa kani-nilang mga lugar sa probinsya ng Albay.










