LEGAZPI CITY-Apektado ngayon ang nasa 40, 842 na mga pamilya o 126, 000 na mga indibidwal sa probinsya ng Catanduanes dahil sa matinding epekto ng Bagyong Ada.
Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Azanza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na bagama’t humina ang Bagyong Ada, mayroon parin na paguulan asin pagbabaha sa ilang mga lugar sa probinsya.
Dagdag pa niya na kung ihahambing ito sa epekto noong Super Typhoon Uwan kalahati ito ng mga pamilyang apektado, kung saan nasa 87, 500 ang naapektuhan noon habang nasa 40, 842 naman ang apektado sa ngayon.
Mula ito sa 226 na barangay sa 314 na nakapaloob sa 11 municipalities sa Catanduanes.
Nasa 4, 179 rin na pamilya o 15, 865 na mga indibidwal ang inilikas sa probinsya.
Nakapagtala rin ng mga pagbabaha at landslide sa lalawigan ng Caramoran, Viga, at Baras.
May mga lugar rin na pansamantalang hindi madaanan na agad namang pinagtutulungan para maisaayos ng mga otoridad.
Sa bayan naman ng Pandan at Gogon, nakaranas rin ng matinding paguulan na nagdulot ng knee-level at waist level na pagbahaha.
Sinisikap ngayon ang pagrestore ng nasirang spillways, mga tulay at kalsada para sa transportasyon ng mga kababayan.
Patuloy pa rin ang assessment ng provincial government tungkol sa insiyal na datos ng mga damages sa agrikultura at imprastraktura ngunit sa kabuuan ay umabot na ito sa P1-Milyon.
Nagsasagawa na rin sila ng mga inspeksyon at nakastandby na rin ang 10,000 o 20, 000 na food packs para sa mga apektadong pamilya.











