Matnog landslide

LEGAZPI CITY- Dalawang indibidwal ang nasawi matapos ang nangyaring pagguho ng lupa sa Barangay Bariis, Matnog, Sorsogon.

Ayon sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Matnog na natabunan ng malalaking bato ang hindi pa pinapangalanan na mga biktima.

Matatandaan kasi na nakakaranas ng malalakas na pag-ulan ang lalawigan ng Sorsogon dulot ng bagyong Ada.

Nabatid na tumagal ng halos limang oras bago tuluyang nakuha ang katawan ng mga biktima.

Kabilang sa naging katuwang ng MDRRMO Matnog sa isinagawang rescue and retrieval operation ang Bureau of Fire Protection Matnog, PNP Matnog, Armed Forces of the Philippines, lokal na pamahalaan ng Matnog, mga barangay officials at ilang mga residente ng Barangay Bariis.