
LEGAZPI CITY-Nagpalabas na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng lahar flow advisory sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon pasado alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Biyernes, Enero 16, dahil sa banta ng matinding paguulan dulot ng Bagyong Ada.
Ayon kay, Phivolcs Science Research Specialist Dr. Paul Alanis, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na posibleng magkaroon ng maximum 200mm na rainfall sa paligid ng Mayon Volcano at may posibilidad na magkaroon rin ng lahar flow lalo na at mayroong mga deposits an naiwan ng galing sa mga nakaraang eruption.
Dagdag pa ng opisyal na dahil sa mga nakaraang eruption, posibleng maging lahar ito at hindi aniya ito mauubos hanggat nagkakaroon ng eruption ang Bulkang Mayon.
Posible rin aniya na madaanan nito ang Pyroclastic Density Currents (PDZ) papunta sa mga river channels kabilang ang Mi-isi at Binaan Channels sa munisipalidad ng Daraga, Mabinit, Bonga, Matanag, Buyuan at Padang sa Legazpi City, at ang Lidong at Basud Rivers sa Sto. Domingo Albay.
Kabilang rin dito ang Masarawag at Maninila sa Guinobatan Albay na palagiang nadadaanan ng lahar flow.
Inaabisuhan ang mga kababayan na nakatira malapit sa mga ilog na maging alerto kung magkaroon na ng direktiba para sa posibleng evacuation at kung magkaroon ng malalakas na paguulan dulot ng Bagyong Ada.









