LEGAZPI CITY- Patuloy pa ang pagtaas ng rockfall events na naitatala sa bulkang Mayon na umabot pa sa 162 sa nakalipas na magdamag.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nakapagtala rin ng 50 pyroclastic density currents o uson at isang volcanic earthquake.
Kagabi rin ng mamataan ang banaag o crater glow sa naturang bulkan.
Sa kasalukuyan ay naanatili pa rin sa alert level 3 ang bulkang Mayon sa kabila ng pagtaas ng mga parametrong binabantayan.











