MAYON VOLCANO
rockfall events in Mayon Volcano

LEGAZPI CITY-Ipinahayag ng isang espesyalista ang pagkakaiba ng Bulkang Mayon sa iba pang mga aktibong Bulkan sa bansa.


Ayon kay Supervising Science Research Specialist Dr. Paul Alanis, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na kakaiba ito dahil sa regular na erruption tuwing ika-limang taon na nagiging dahilan kung bakit napapanatili ang itsura nito kumpara sa iba pang mga aktibong Bulkan.


Aniya, posibleng positibo ang epekto nito sa turismo katulad ng Taal Volcano na dinadayo ng mga turista at nagkakaroon ng benepisyo sa ekonomiya.


Dagdag pa ng opisyal na nagkaroon na rin ng biglaang phreatic eruption ang Bulkang Bulusan noong 2022 at ang Bulkang Kanlaon naman noong 2020 ngunit hindi gaanong perfect cone ang hugis ng mga ito.