DSWD food packs
DSWD food packs

LEGAZPI CITY- Magsasagawa ng inspeksyon ang mga kinauukulan sa mga evacuation centers na posibleng pagdalhan ng mga residenteng maaaraing ilikas kung sakaling lumala pa ang aktibidad ng bulkan Mayon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Bicol Director Norman Laurio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakahanda na ang kanilang tanggapan sa anumang posibleng sitwasyon.

Siniguro rin ng opisyal na kung sakaling lumikas ang mga nasa Mayon unit area ay kaya itong masuportahan ng tanggapan dahil may sapat umanong stockpile sa kasalukuyan.

Matatandaan kasi na inaabot ng ilang buwan tuwing nagkakaroon ng pag-aalburuto ang bulkan.

Aniya mayroon ang ahensya na nakahanda na nasa 111,000 foodpacks habang handa na rin ang mga non-food items.

Dagdag pa ng opisyal na nag-request na rin ang tanggapan ng dagdag na augmentation na food at non-food items mula sa central office.

Nabatid na mahigpit rin ang paalala ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na i-monitor ang sitwasyon sa lalawigan ng Albay kaugnay ng aktibidad ng bulkang Mayon.