LEGAZPI CITY-Itinaas na sa alert level 2 ang alert status ng Mayon Volcano ngayong araw ng Huwebes, Enero 1, 2026 pasado alas 6:00 ng umaga.

Ayon sa ipinalabas na datos ng Phivolcs, ito ay dahil sa pagtaas ng aktibidad ng lebel nito.

Nairehistro rin ang pagdami ng rockfall events sa loob ng dalawang buwan na posibleng maging dahilan ng biglaang eruptions.

Pinagiingat ang publiko at inaabisuhan na maging mapagmatyag at iwasan ang pagpasok sa 6km kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ dahil sa peligro na dulot nito.

Inaabisuhan rin ang mga lokal na gobyerno na malapit sa area na ihanda ang kanilang mga komunidad para sa posibleng evacuation.

Samantala, kasalukuyang inoobserbahan Phivolcs ang Bulkang Mayon.