LEGAZPI CITY-Isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa dalawang miyembro ng Sunwest Board of Directors sa Legazpi City kaugnay ng isyu sa flood control projects.


Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Bicol Regional Director Police Colonel Oscar Reyes Regala Jr., sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tuloy-tuloy sila sa paghahanap hindi lamang sa Bicol Region pati na sa iba pang lugar.


Parte aniya ang operasyon sa mga wanted na persons na sangkot sa flood control project anomalies.


Kasunod ito sa kaso sa sarong proyekto sa Mindoro kabilang ang dalawang miyembro ng Sunwest Board of Directors kung saan iniutos ng korte para sila hanapin at arestuhin.


Sinabi rin ng opisyal na mapapatunayan lamang na sila ay inosente kung haharapin at sasagutin nila ang kanilang kaso.


Nananawagan rin ang opisyal na isuko na nila ang kanilang sarili at harapin sa korte ang kanilang kaso dahil kung mapatunayan na hindi sila sangkot ay agad namang palalayain ang mga ito.


Sisiguruhin rin ng CIDG at PNP ang kanilang seguridad pati na ang kanilang mga pamilya kahit nasaan man sila sa Pilipinas.