
Sa isang mahalagang desisyon na inaasahang magpapabago sa takbo ng mga kasong sibil sa Turkey, pinagtibay ng isang korte sa lungsod ng Kayseri ang divorce petition ng isang asawang babae laban sa kanyang asawa dahil lamang sa na-like nito ang mga litrato ng ibang babae sa social media.
Inakusahan ng babae, na nagpakilalang “H,” ang kanyang asawang si “B” ng paglabag sa “marital duty of loyalty” at pagpapahiya sa kanya sa pamamagitan ng madalas na pagkomento at pag-like sa mga post ng ibang babae online.
Bilang parusa, inutusan ng korte ang lalaki na magbayad ng 80,000 Turkish lira (mahigit P100,000) bilang restitusyon at karagdagang buwanang sustento na 750 lira.
Ang desisyong ito ay nagsilbing wake-up call sa publiko, ayon sa mga law expert, dahil kinukumpirma nito na ang mga screenshot, like, at digital footprint ay maaari nang gamitin bilang matibay na ebidensya ng pagkakasala sa pag-aasawa.
Dahil sa hatol, inaasahang magiging mas mahigpit ang korte sa social media behavior ng magkasintahan bilang batayan ng paghihiwalay.









