LEGAZPI CITY- Inihayag ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na limang kasapi ng New Peoples Army ang nasawi sa engkwento sa Camarines Sur.
Ayon sa pahayag ng tanggapan na nakasagupa ng rebeldeng grupo ang pwersa ng 83rd Infantry Battalion sa Barangay Burabod sa bayan ng Lagonoy.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung may nasaktan sa panig ng mga kasundaluhan.
Samantala, na-recover rin ng mga otoridad ang ilang mga armas at war materials kasunod ng operasyon.
Matatandaan na una ng sinabi ng Philippine Army na mananatili silang nasa defence mode kahit pa ngayong holiday season.











