LEGAZPI CITY-Nagkakaroon pa rin ng kakulangan sa kanilang pamamasada ang mga Drivers at Operators ngayong holiday season.


Ayon kay PISTON President Mody Floranda, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, na patuloy sa pamamasada ang mga drivers at operators para kahit papaano mayroon silang mapagsaluhan ng kani-kanilang mga pamilya ngayong pasko.


Dagdag pa niya na may kahirapan sila sa pagbabyahe lalo pa at nakaabang ang ilang mga enforcer pati na rin ang pagpaparehistro at renewal ng kanilang pampublikong sasakyan.


Binigyang diin ni Floranda na lalong nakikita ang malaking kakulangan sa serbisyo sa usapin ng pampublikong transportasyon lalo na sa programa ng gobierno.


Nagigipit rin aniya ang mga commuter lalo na sa Metro Manila kung saan makikita kung gaano kahirap ang pagbiyahe ngayon na halos fully book na ang mga papuntang probinsya.


Nakikitang rason ng opisyal sa mga hadlang na ito ang hindi pagpayag sa ilang pampublikong transportasyon na makapagrehistro o makapag-renew.


Sa kasalukuyan, nasa 60-70% pa lamang umano ang pinapayagan na makapagrehistro.


Dapat rin aniya na payagan ang ibang pampublikong transportasyon para hindi maapektuhan ang mamamayan at ang ekonomiya.


Sinabi rin ng opisyal na bagama’t mayroong rollback, ay hindi rin ito sapat dahil babawiin rin ito ng mga malalaking kumpanya pagkatapos ng holiday season.


Paalala ng grupong PISTON sa sektor ng transportasyon na maghanda sa susunod na taon kung papaano nila mapapatuloy at maitatanggol ang kanilang karapatan at serbisyo para sa mga mamamayan.