LEGAZPI CITY- Bigla na lamang nagliyab ang isang pampasahetong bus sa Matacon, Polangui, Albay nitong umaga ng Disyembre 9, 2025.
Agad naman na umaksyon ang mga kinauukulan upang maapula ang apoy.
Mabilis rin na naibaba ang mga pasahero at ang kargamento ng mga ito upang hindi na madamay pa sa sunog.
Hindi pa malinaw sa ngayon ang sanhi ng insidente na patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad.
Samantala, patuloy na inaalam kung walang nasaktan sa mga pasahero na sakay ng naturang bus.











