
Isang gay member ng LGBTQ community ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang boarding house sa Brgy. San Isidro, Jaro, Iloilo City kagabi, Disyembre 6.
Kinilala ang biktima bilang si Rex, 50, residente ng Brgy. Cari Minor, Leganes, Iloilo.
Sa isang panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Police Captain Mavin Laraño, officer-in-charge ng Iloilo City Police Station 3, na nakatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng barangay at agad na rumesponde.
Napag-alaman na nag-iisa ang biktima sa kanyang boarding house at hindi lumalabas sa loob ng tatlong araw.
Nagreklamo rin siya sa kanyang mga kapatid na naninigas ang kanyang dibdib bago ang insidente.










