health-workers
health-workers

LEGAZPI CITY-Inamin ng grupo ng Healthcare workers na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ng ilan sa kanila ang pangakong Health Emergency Allowance (HEA) ng gobyerno ilang taon na ang nakalilipas matapos ang Covid-19 Pandemic.


Ayon kay Alliance of Healthworkers National Coordinator Robert Mendoza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maraming mga Healthcare workers an umiiyak ngayon dahil wala pang natatanggap bagamat mayroong ng pondo ang gobyerno.


Aniya, kagaya ng sinabi umano ni President Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang SONA, ay mayroong pondong nasa P3.7 Bilyon ngunit sa kasalukuyan marami pa rin ang hindi nakakatanggap mula rito.


Dagdag pa ni Mendoza na ilang taon na ring nahihintay ang mga local government unit at mga hospital.


Nakakaawa rin aniya an mga pamilya ng mga natamay na Healthcare workers noong pandemya dahil sa hanggang ngayon ay wala pa itong natatanggap na anumang kompensasyon.


Sinabi rin ng opisyal na kasama ito sa kanilang ipinoprotesta noong November 30 Rally para mabigyan ng pansin ang performance based ng mga healthcare workers.


Base sa kanilang inisyal na datos, nasa 60-80 o 30% pa lamang ang nakakatanggap nito, nguniy kung titignan umano ang marami pa rin ang hindi nakakatanggap lalo na sa mga probinsya maging sa mga syudad.


Panawagan ng opisyal kay President Marcos na sana ang pondong ito ay ipatayo bilang mga hospital para sa mga nurses at health workers at maibigay na ang kanilang performance based bonus para sa taong 2021 hanggang 2023.


Kasabay nito, naniniwala rin si Mendoza na dahil ito sa pag-waldas ng mga korap na opisyal sa pondo na dapat inilaan at binibigyang prayoridad ang sektor para sa kalusugan.