LEGAZPI CITY—Nagpadala ang Albay Philippine National Police ng humigit-kumulang 100 kapulisan para sa peace rally ng Iglesia ni Cristo sa Metro Manila na gaganapin mula ika-16 hanggang ika-18 ngayong Nobyembre 2025.

Ayon kay Albay Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Noel Nuñez, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, mananatili ang kanilang kapulisan sa Maynila nang hanggang anim na araw upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing rally.

Nagkaroon din aniya ng medical check up at inspeksyon sa mga gamit ng mga i-deneploy na kapulisan bago sila ipadala sa Metro Manila.

Dagdag ni Nuñez na magbibigay din ang Manila Police District ng mga billeting areas para sa mga pulis na ipinadala ng kanilang tanggapan.

Samantala, tiniyak din ng opisyal na ang kanilang mga kapulisan ang laging nakaalalay upang mapanatili ang traffic direction and control at kaligtasan ng publiko sa nasabing aktibidad.