LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng 18 mortalities ang Albay Park and Wildlife dahil sa naging epekto ng bagyong Uwan sa lalawigan.
Ayon kay Albay Park and Wildlife Manager Dr. Franz Colambo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi agad nila napasok ang pasilidad dahil sa mga nagbagsakan na mga kahoy.
Maliban sa naturang mortalities ay nasa 32 iba pang mga hayop ang nakatakas tulad ng maliliit na mga ibon, Philippine eagle, ahas at iba pa.
Sinabi ng opisyal na nasira ang reptile closure at nabasag ang salamin sa kulungan ng naturang mga hayop matapos itong mabagsakan ng punong kahoy.
Nabatid na na-recover na rin ng pamunuan ng wildlife ang mga nakatakas na maliliit na crocodile at ilang malalaking sawa.
Kabilang sa mga namatay ang Philippine eagle owl na hindi umano inasahan na biglang nangitlog, Burmese phyton, Philippine monkeys at iba pang maliliit na ibon.
Dagdag pa nito na ligtas naman ang ang tigre at leon na nasa loob ng pasilidad.
Samantala, positibo naman si Colambo na mare-recover pa ang ilan sa mga nawawalang hayop subalit aminado ang opisyal na malaking kawalan para sa pasilidad ang ilang linggo na pagsasarado nito.











