The Bicol region was included in the Top 15 most tourist destinations in Southeast Asia, highlighting the popular attractions in the provinces of Albay and Sorsogon.

LEGAZPI CITY-Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) sa Bulkang Mayon ng 17 rockfall events sa loob ng 24 oras.


Ayon kay Mayon Observatory Deborah Fernandez, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, ito ay dahil sa mga bato, lahar flow nitong mga nakaraang taon, at posibleng maluwag ang crater ng Bulkang Mayon.


Idinagdag ng opisyal na posibleng may epekto rin ang pag-ulan dahil sa bagyo kaya nagkaroon ng mga rockfall events.


Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang alert level 1 sa Bulkang Mayon at patuloy na minomonitor ng ahensya ang mga parameter nito.


Inirerekomenda pa rin ng ahensya na iwasan ng mga residente ang pagpasok sa 6km permanent danger zone dahil sa posibleng phreatic eruptions ng Bulkang Mayon.


Hinimok din ng opisyal ang mga komunidad na malapit sa mga daluyan ng mga ilog na maging mapagmatyag dahil sa posibleng pag-agos ng lahar dito.