LEGAZPI CITY- Muling binuksan ang Cetacean cemetery sa rehiyong Bicol matapos ang pagsasailalim nito sa rehabilitasyon.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol Spokesperson Rowena Briones sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakahimlay sa naturang libingan ang nasa 14 na cetacean.
Kabilang sa mga ito ang iba’t ibang uri ng mga dolphin na biktima ng stranding incidents sa rehiyon.
Ang himlayan ng naturang mga mammal ay maroon ring nitso at lapida kung saan nakasulat kung anong uri ng species ang nasa lugar.
Sa pamamagitan nito ay mas mapapalawak umano ang kaalaman ng publiko hinggil sa naturang mga mammals at ang kahalagahan ng mga ito sa karagatan.
Ayon kay Briones na karamihan sa mga nakalibing sa Cetacean cemetery ay mga mammal na nakalunok ng plastic at sumasabit sa mga lambat.
Dahil dito ay iginiit ng opisyal na ang bawat aksyon ng publiko ay mahalaga para sa kaligtasan ng sea creatures.











