LEGAZPI CITY- Siniguro ng pamunuan ng Bicol University ang pagsagot sa lahat ng ginastos sa pagpapagamot ng mga mag-aaral na naapektuhan ang kalusugan dahil sa color bomb na ginamit sa kasagsagan ng BU Hataw.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay BU President Baby Boy Benjamin Nebres, sinabi nito na ‘accountable’ sila sa nangyari.
Humingi rin ito ng dispensa sa lahat ng mga naapektuhan sa insidente, kabilang na ang mga mag-aaral at sa mga magulang nito.
https://youtu.be/4E1eUGRKX2YNabatid na nasa 184 ang kabuuang nangailangan ng medikal na asistensya sa kasagsagan ng aktibidad dahil sa hirap sa paghinga, pagkahilo, at mga nawalan ng malay.
Ang ilang mga estudyante naman na malubhang naapektuhan ay nakalabas na rin sa pagamutan ngayong araw.
Ayon kay Nebres na marami silang natutunan sa insidente na siguruhin ang maayos na mga polisiya at seguridad ng mga mag-aaral.