LEGAZPI CITY-Nahalal bilang kauna-unahang babaeng prime minister ng Japan si Sanae Takaichi ngayong araw ng martes na nagtala ng makasaysayang tagumpay para sa mga kababaihan sa nasabing bansa.
Si Takaichi na tagasuporta ni dating Prime Minister Shinzo Abe ay nakakuha ng 237 na boto sa halalan ng mababang kapulungan na lagpas sa mayorya ng 465-seating chamber na naging dahilan upang hirangin bilang susunod na lider ng Japan .
Ang kanyang pagkapanalo ay naganap matapos makipagkasundo ang kanyang Liberal Democratic Party o LDP sa Japan Innovation Party o Ishin.
Inaasahan naman na itutulak ni Takaichi ang malawakang paggasta ng gobyerno upang pasiglahin ang humihina ng ekonomiya ng kanilang bansa.