BU Hataw incident

LEGAZPI CITY- Kanselado na ang pasok sa Bicol University ngayong araw ng Martes, Oktubre 21.

Ito ay kasunod ng insident sa kasagsagan ng BU Hataw kung saan maraming mga mag-aaral ang nakaranas ng hirap sa paghinga at nawalan ng malay dahil umano sa pagka-suffocate sa smoke bomb.

Sa gitna kasi ng pagsasayaw ng mga estudyante para sa taunan na Hataw ay gumamit ng smoke bomb bilang bahagi ng props subalit hindi aniya kinaya ng ilang mag-aaral ang usok nito.

Kaugnay ng insidente ay pansamantala ring kinansela ang mga sports activities kaugnay ng Bicol University Olympics 2025 upang bigyang daan ang pagpapagaling ng mga mag-aaral.