LEGAZPI CITY-Tinatayang nasa 5,000 na mga pamilya ang posibleng ilikas sa Guinobatan, Albay dahil sa banta ng Tropical Storm Ramil.
Ayon kay Guinobatan Mayor Ann Gemma Onjoco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagpapatuloy pa rin ang kanilang paglikas sa ngayon sa mga residente.
Dagdag pa ng opisyal na hindi naman nagkaroon ng resistance ang mga residente dahil sa alam naman nila ang banta tuwing mayroong paparating na bagyo. Nakanda na rin ang kanilang mga asisstance na ipapamahagi ng local government unit sa lalawigan.
Matatandaan na nagsagawa na rin ng areal survey sa bahagi ng Barangay Masarawag kung saan kailangan ang paglikas ng mga residente bago bumuhos ang lahar galing sa Bulkang Mayon na dala ng posibleng pag-ulan sa lugar.
Sinabi rin ni Mayor Onjoco na kahit pa walang mga pag-ulan ay nagsasagawa na sila ng paglikas lalo na sa mga lugar na prone sa pagbabaha at tuwing malalakas ang pag-ulan at mayroong habagat.
Inaabisuhan naman ang lahat sa lugar na mag-ingat, huwag magtagal ng ilang oras sa labas at lumikas na bago pa man maranasan ang malalakas na pagulan na dala ng nasabing bagyo.