Fence in Mayon PDZ

LEGAZPI CITY- Tumugon na ang lokal na pamahalaan ng Camalig at DENR hinggil sa legalidad ng pagpapabakod sa paanan ng bulkang Mayon, partikular na sa Barangay Tumpa, Camalig, Albay.

Ayon sa tugon ni Camalig Mayor Caloy Baldo, wala umanong nai-file na aplikasyon para sa Fencing Permit at wala ring inisyu na permit sa Sunwest, Inc.

Sa hiwalay na liham naman mula sa Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources V, sinabi nito na wala silang ipinalabas na Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa naturang proyekto.

Pareho namang nagpahayag ng kooperasyon ang dalawang panig sa pamahalaang panlalawigan kaugnay ng nagpapatuloy na pagsisiyasat.

Matatandaan na nadiskubre nitong mga nakalipas na araw ang ginagawang pagtatayo ng mga bakod sa Barangay Tumpa na nasa loob ng danger zone ng bulkang Mayon.