Arrested
Arrested

LEGAZPI CITY—Arestado ang isang lalaki matapos umanong halayin ang menor de edad na pamangkin ng kanyang asawa sa Caramoran, Catanduanes.


Ayon kay Caramoran Municipal Police Station, Chief of Police, Police Captain Jumar Delavin, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang suspek ay itinuturing na number 1 provincial most wanted ng lalawigan ng Catanduanes.


Sinabi ng opisyal na iniulat ng mga magulang ng biktima ang insidente sa kanilang tanggapan.


Agad din aniya na dinakip ang suspek matapos maglabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court para sa kasong statutory rape na walang nirerekomendang piyansa.


Sa kasalukuyan ay nakakulong na umano ang suspek sa Bureau of Jail Management and Penology sa naturang lalawigan.


Dagdag pa ni Delavin, patuloy na nagsasagawa ng awareness campaign o series of lectures ang kanilang kapulisan pulisya hinggil sa nasabing usapin sa bawat barangay ng nasabing bayan.


Samantala, pinaalalahanan din ng opisyal ang mga residente ng Caramoran na sakaling may maobserbahang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar ay agad nila itong i-ulat sa kanilang opisina dahil nakahanda rin silang tumulong sa kanila.