LEGAZPI CITY-Dating Ako Bicol Representative na si Zaldy Co, hindi dumalo sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) hearing para sa umano’y mga anomalya sa flood control projects.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka na magpapalabas ang komisyon ng petisyon para ma-cite in contempt si Co dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.
Sinabi pa niya na kasunod nito, posibleng ma-isyuhan ng warrant of arrest si Co kung maaprubahan na ng korte ang nasabing petisyon kasunod ng pagalis pa nito ng bansa.
Matatandaan na nagbitiw na sa puwesto si Co bilang kongresista noong nakaarang buwan dahil sa umano’y “real, direct, grave and imminent threat” sa kanya at sa kaniyang pamilya na tinawag niyang “denial of due process.”
Sinabi din ni Co na plano niyang magbalik sa Pilipinas, para harapin ang mga alegasyon sa kanya.
Samantala, dumalo naman si dating House Speaker Martin Romualdez sa pagdinig ng ICI ngayong araw at sinabi niyang makikipag-ugnayan siya sa komisyon para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.