Bulusan volcano registered 158 volcanic earthquakes in the past 24 hours of observation. According to Philippine Institute of Volcanology and Seismology Bulusan Volcano Observatory Resident Volcanologist April Dominguinao in an interview with Bombo Radyo Legazpi, there was also 72 tons/day of sulfur dioxide emission while there was a strong eruption with a height of 100 meters on the northern side of the volcano.

LEGAZPI CITY-Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula noong Linggo, Oktubre 12, tungkol sa posibleng steam-driven o phreatic eruptions dahil sa pagdami ng seismic activity sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Base sa advisory ng ahensya na halos 72 volcanic earthquakes ang nairehistro magmula noong Sabado.

Base man sa impormasyon na ipinalabas ng ahensya na naging dahilan ng pagyanig ang rock fracturing na maroong lalim na hindi bababa sa 10 kilometro sa loob ng Bulkan.

Naobserbahan man ang “shallow hydrothermal activity” sa ilalim ng Bulkan kung saan makikita ang average emission ng sulfur dioxide na mayroong sukat na 34 tons.

Samantala, nananatiling naka-alert level 1 ang Bulkang Bulusan subalit pinapaalalahanan naman ang lahat na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone malapit sa nasabing Bulkan.