LEGAZPI CITY—Naka-alerto ngayon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Baras sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Paolo sa naturang lugar.


Ayon kay MDRRMO Baras Head Engr. Khalil Tapia, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na may mga pili silang mga barangay na inimbitahan sa munisipyo upang pag-usapan ang paghahanda patungkol sa bagyo.


Naka-standby rin aniya 24/7 ang kanilang mag responder gayundin na naka-alerto sila sa Emergency Operations Center.


Sa kasalukuyan, hindi na pinapayagang pumunta ng laot ang mga mangingisda sa lalawigan upang maiwasan ang anumang aksidente.


Dagdag ni Tapia na umaabot sa mahigit 1,500 pamilya ng mga mangingisda ang naaapektuhan lalo na kapag hindi nakakapangisda ang mga ito, kasama na ang mga bangkero, nagbebenta ng isda at iba pa.


Samantala, pinaalalahanan ng opisyal ang mamamayan ng Baras na maging alerto at laging magbantay sa mga lehitimong ahensya sa lagay ng panahon.


Nagbabala rin ang opisyal sa mga biyahero na mag-ingat lalo na ngayon na may inaasahang sama ng panahon sa bansa.