LEGAZPI CITY—Patuloy sa pagpapatupad ng programang pagbibigay ng mga gamit sa pangingisda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol para sa mga mga lehitimong mangingisda sa rehiyon.
Ayon kay BFAR Bicol Regional Director Ariel Pioquinto, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagbibigay sila ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng P3,000 para sa mga rehistradong mangingisda.
Aniya, nagsimula na rin ang kanilang ahensya sa pagbigay ng subsidiya noong nakaraang linggo.
Ayon pa kay Pioquinto na isa rin sa kanilang mga programa ay ang pagbibigay ng mga kagamitan para sa mga mangingisda katulad ng bangka at ambat kung saan kailangan din aniya munang suriin ang mga datos upang matukoy kung lehitimo ang mga mangingisda at kung talagang kinakailangan nila ng naturang tulong.
Dagdag pa ni Pioquinto, nagsasagawa rin sila ng mga training program sa mga asosasyon o organisasyon ng mga mangingisda kung saan ayon sa kanya, ito ang naglalapit sa kanila upang mabigyan ng kanilang opisina nang tamang asistensya sa pamamaraang sabay-sabay at hindi pa-isa isa ang mga mangingisda.
Hinimok ng opisyal ang mga mangingisda na magparehistro upang sila ay maging lehitimong mangingisda gayundin upang dumaan sa isang proseso sa kung anumang hinihinging tulong mula sa ahensya