LEGAZPI CITY—Nagpatupad ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Aroroy Masbate partikular na sa mga lugar na maaaring bahain dulot ng Bagyong Opong.
Ayon kay Aroroy Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Ronnie Atacador, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, halos nasa evacuation centers ang mga residenteng prone sa pagbaha gayundin ang mga nasa gilid ng baybaying dagat.
Aniya, karamihan sa mga residente ay sumusunod sa kanilang mga abiso.
Dagdag pa ng opisyal, sa kasalukuyan, mahigit nasa 1,500 indibidwal na ang nasa evacuation centers.
Samantala, pinaalalahanan din ni Atacador ang mga residente ng Aroroy na maging maingat, alerto at subaybayan ang lagay ng panahon sa lahat ng oras.