LEGAZPI CITY-Kinondena ng ilang mangingisda ang naobserbahang pagtaas ng presensya ng mga sasakyang pandagat ng China sa paligid ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay PAMALAKAYA President Pando Hicap, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na ang patuloy na pagtugon ng China sa international law at sa arbitral ruling ay nangangahulugan na dapat mas higpitan ng gobyerno ng Pilipinas an pagpapaalis sa kanila sa mapayapang paraan.
Aniya, patuloy na tumitindi ang tensyon sa West Philippine Sea na naglalagay sa panganib sa mga mangingisda.
Dagdag pa ni Hicap, dapat ay 100 percent na silang mapaalis para magkaroon na ng kapayapaan sa West Philippine Sea.
Dapat din aniyang kilalanin ng mga opisyal ng bansa ang mismong palaisdaan dahil nagdudulot ito ng kaparusahan sa mga mangingisda sa patuloy na pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Hindi rin aniya dapat payagang gamitin ang mga ito para sa interes ng US lalo pa’t patuloy ang pagpaparami ng kanilang pwersang militar at hukbong-dagat.
Sinabi rin ni Hicap na natatakot pa rin ang mga mangingisda ngunit mas nangingibabaw ang kanilang pangangailangan sa kanilang pamilya.
Noong 2011, malaya pa ang mga mangingisda sa Ayungin Shoal ngunit nang magsimulang magtayo ng kanilang hukbo ang China sa isla, dito na nagsimula ang tensyon.
Nananawagan din siya na ibalik ang dating sitwasyon sa West Philippine Sea kung saan kailangan nilang magkaroon ng respeto at pagkilala sa karapatan ng bawat palaisdaan sa bansa.
Dapat din aniyang kilalanin ng ibang pamahalaan ang pangisdaan ng Pilipinas lalo na ng bansang China.
Samantala, nagpaalala rin si Hicap sa mga mangingisda sa rehiyon na ikampanya sa mga lokal na pamahalaan ang pagbabalik ng NFA sa mga munisipalidad at barangay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at upang mabawasan ang pang-araw-araw na gastusin ng mga mangingisda.