LEGAZPI CITY-Ipinapatupad ng Municipal Disaster Risk Reduction Office ng Malinao sa Albay ang malawakang clean up drive operation sa kada baranagy upang maiwasan ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Malinao Municipal Disaster Risk Reduction Office Head Jose Lord Cid, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dahil umaapaw pa rin ang tubig sa iilang mga spillway at line canal dulot ng pag-ulan, nakahanda ang kanilang munisipyo sa mga posibilidad sakaling magkaroon ng masamang panahon, kung saan nagsasagawa sila ng paglilinis sa kani-kanilang mga kanal, upang maging handa sa pagdating ng tag-ulan.
Dagdag pa ng opisyal, na on-going an pagsasagawa ng tulay sa Barangay Ogob na konektado sa Barangay Jaro kung saan mayroong pagbaha.
Sa ngayon, nakahanda na rin ang munisipyo ng Malinao sa disaster preparedness nito, kung saan ipinag-utos na sa bawat barangay officials an mga kaukulang warning sakaling magkaroon ng masamang panahon.
Sa mga nagdaang pag-ulan, nagkaroon din ng pagbaha sa spillway at line canal, pero ang humupa din ito kalaunan at sa kasaluyan ay wala namang naitalang paglikas sa kanilang lugar.
Dagdag pa ng opisyal, pinapaalalahanan ang bawat barangay sa kanilang munisipyo na magkakaroon na abisuhan an mga residente lalo na sa mga malapit sa ilog, creek, at landslide prone areas.
Nakahanda din aniya ang kanilang stock filling at patuloy ang kanilang preparasyon at pagsiguro na ligtas an bawat isa sa mga residente ng kanilang munisipalidad.