LEGAZPI CITY-Pagbabatayan ng House Committee on Public Accounts ang mga datos na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para panagutin ang mga nasa likod ng mga anomalya sa mga flood control projects.
Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairperson Terry Ridon, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ibabase nila sa listahang inilabas ng Pangulo ang mga alegasyon na maaaring mag-trigger ng kasalukuyang imbestigasyon.
Tatalakayin din nila sa holistic approach sa paparating na briefing ng house committee hinggil sa mga disparities sa flood control at kung bakit may mga pagkakaiba dito.
Dagdag pa ni Ridon, sakaling magkaroon ng iregularidad sa mga proyekto at pondo, maaaring magsampa ng kaso laban sa kanila ang Ombudsman.
Dagdag pa niya, dapat magkaroon din ng feasibility study sa mga imprastraktura bago ituloy ang mga proyekto sa halip na maging substandard ang mga resulta nito.
Mahalaga rin aniya ang papel ng kanilang kinatawan sa imbestigasyon kung saan maraming proyekto rin ang nasa listahan mula sa Bicol region.