LEGAZPI CITY-Nakikita ng Albay Provincial Agricultural Office (APAO) ang potensyal ng stingless bee farming sa agrikultura sa lalawigan.
Ayon kay APAO Assistant Agriculturist Daryl John Buenconsejo, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mayroon nang iba’t ibang uri ng bee farming sa lalawigan tulad ng stingless bee farming na ginagamit na sa mga pangangailangan tulad ng mga produkto para sa mga pharmaceutical purposes tulad ng nose spray at iba pa mula sa na-develop na bee honey.
Ang maganda dito, aniya, dahil maliliit lang ang mga ito, mas madali at ligtas silang alagaan at hindi nangangagat.
Marami na aniyang nangangalaga at nag-oorganisa ng mga asosasyon sa lalawigan tulad ng Albay Stingless Bee Keepers na mayroong halos 40 miyembro.
Pagkatapos ng 6 na buwan, maaari na silang anihin at marami ng mga colonies ang inaalagaan.
Idinagdag ng opisyal na mula noong 2000, may mga natukoy na organizers ng bee farming at nagkakaroon din ito ng kahalagahan sa pagpapaunlad ng mga prutas o pagkain dahil sa follen transferring.
Nagkaroon din ng First International Summit sa stingless bee farming sa lalawigan na dinaluhan ng mga bisita mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Singapore, Taiwan, Thailand, at iba pa.
Aniya, may potensyal din ito sa kasalukuyan sa agrikultura at nagsasagawa na rin sila ng mga transfering sa mga bumibisita sa ahensya para i-promote at i-feature ang kanilang stingless bee farm.
Dagdag pa ng agriculturist, malaki ang potensyal nito dahil sa mura nito, at mataas ang halaga sa merkado na mayroong P1 per ml at madaling alagaan at kailangan lamang ng pundasyon sa edukasyon.
Mensahe din ng opisyal sa lahat ng magsasaka o kabataan, na gustong magkaroon ng adventure tungkol sa stingless bee farming, ay maaaring silang bumisita sa Albay Farmers Mountaineers.