LEGAZPI CITY-Kinilala ang Baras Municipal Police Station bilang Rank 3 sa Top Performing Municipal Police Stations in terms of Police Community Relations (PCR) at nakakuha ng 97.27% overall performance rating.
Ayon kay Baras MPS Police Executive Master Sergeant Crisostomo Avila, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakatanggap sila ng karangalan dahil nakapasa ang kanilang polisya sa parameters ng Catanduanes PNP tulad ng maagap at maayos na pagsusumite ng mga compliance at requirements na hinihingi ng provincial command.
Ang mga parangal ay ginaganap taun-taon at nagsimulaito noong Mayo 2024 at Abril 2025.
Ito ang pinakamataas na ranggo na naabot ng kanilang himpilan.
Dagdag pa ng opisyal, sisikapin din nilang mapanatili ang kanilang ranking sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat miyembro ng pulisya.
Nagpapasalamat din sila sa mga komunidad para sa kanilang koordinasyon sa kanilang patuloy na mga kampanya.
Nagsasagawa rin sila ng mga seminar sa komunidad lalo na sa mga kabataan hinggil sa kamalayan sa kanilang kapaligiran.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang kanilang kampanya sa kumunidad tulad ng anti-criminality campaign, reinforcement operation, illegal activities, at loose fire arms.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa lahat ng oras at huwag maniwala at maging biktima ng mga kawatan.