The Department of Labor and Employment Bicol (DOLE) reminded employers to give 20 pesos salary increase to workers.

LEGAZPI CITY-Umaasa ang Kabataan Partylist na mas palakasin pa ang kampanya ng mga mamamayan sa labas ng kamara na magsusulong ito ng pagbabago sa bansa.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Renee Co, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, maghahain ang makabayan bloc ng panukalang batas sa national minimum wage na may layuning tanggalin ang regional wage sa regional board at gawing P1,200 kada araw ang sahod ng family living wage.

Sinabi ni Co na ang edukasyon, dagdag sahod at mga sektor ng magsasaka ang dapat na pinakamahalagang tututukan sa ngayon.

Dagdag pa ni Co, patuloy ang pagtaas ng tuition fees na siyang dahilan ng pag-drop out ng mga estudyante at 14% pa lamang ng mga magsasaka ang nabibigyan ng titulo ng kanilang mga palayan.

Kailangan din aniya ng pagkakaisa at patuloy na panawagan para ma-pressure ang gobyerno na magpapalakas sa kanilang mga kampanya.