LEGAZPI CITY—Ikinagalak ni Albay 1st District Representative Congresswoman Krisel Lagman Luistro ang ilan sa mga programang inihayag ng administrasyong Marcos sa State of the Nation Address ng Pangulo noong Lunes, Hulyo 28.
Ayon kay Albay 1st District Representative Congresswoman Krisel Lagman Luistro, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ikinatutuwa niya na isa ang rehiyong Bicol sa mga prayoridad ng administrasyon pagdating sa infrastructure developments.
Nangangahulugan aniya ito na may aasahan ang rehiyon pagdating sa mga pagbibigyan ng atensyon na inihayag ng pangulo sa kanyang ika-apat na SONA.
Ikinatuwa rin ng kongresista ang interbensyon sa sektor ng edukasyon partikular sa pagbibigay ng overtime pay, overload pay at laptop sa mga guro.
Samantala, sinabi ni Lagman na nais niya rin sanang marinig ang tungkol sa preventive health care, na sa kabila na ito ay saklaw ng mga programa ng PhilHealth, nais ni Lagman na mas binigyang-diin din ng Pangulo ang pagdating sa health and wellness.
Ang nasabing panukala, aniya, ay magreresulta sa mas cost-effective kaysa curative program ng nasabing ahensya.
Dagdag pa ng opisyal na kung bibigyang niya ng rating ang isinagawang SONA ng pangulo ay bibigyan niya ito ng 85% na marka.