
Hindi dadalo si Senador Robin Padilla sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Padilla, ang pagkakakulong at ang posibleng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang kanyang mga dahilan.
Aniya, bagama’t suportado niya ang Pangulo, ang kawalan niya sa SONA ay isang kilos-protesta bilang pakikiisa kay Duterte.
Narito ang pahayag ni Padilla:
“Buo ang suporta namin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa mga batas na kumikilala sa kultura, tradisyon at pananampalataya ng mga Muslim na siyang tunay na daan sa pagkakapantay-pantay tungo sa inaasam na kapayapaan ng taongbayan. Ngunit ang pagdalo sa kanyang SONA ay hindi ko magagawa bilang protesta habang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nasa piitan at napipintong husgahan sa isang banyagang hukuman.”