The Coast Guard is prepared for the possible threat and impact of Tropical Depression Dante in the province of Catanduanes. Commander of Coast Guard Station Catanduanes Lieutenant Junior Grade Kees G. Villanueva said in an interview with Bombo Radyo Legazpi that they are closely coordinating with weather specialists and the state weather bureau for time-to-time updates regarding typhoons and other weather events.

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Coast Guard sa posibleng banta at epekto ng Tropical Depression Dante sa lalawigan ng Catanduanes.

Sinabi ni Commander of Coast Guard Station Catanduanes Lieutenant Junior Grade Kees G. Villanueva sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga weather specialist at state weather bureau para sa time-to-time updates hinggil sa mga bagyo at iba pang weather events.

Nagbigay din sila ng payo sa mga mangingisda at komunidad sa baybayin tungkol sa posibleng panganib sa kanila habang naka-standby ang isang 24/7 emergency quick response team kung sakaling kailanganin.

Ready for deployment na rin umano ang kanilang mga personnel na binubuo ng 3 team na may lima hanggang anim na miyembro kada isa para magbigay ng asistensya sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng opisyal na naobserbahan din nila ang normal hanggang katamtamang pagtaas ng lebel ng dagat habang nakararanas din sila ng malakas na pag-ulan.

Nakahanda aniya ang mga tauhan ng iba’t ibang daungan sa kanilang lugar kasama ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa mga stranded na pasahero sakaling makansela ang mga byahe ng barko.

Pinaalalahanan ni Villanueva ang publiko na iwasan ang non-essential travel partikular na sa riverbanks, flood at landslide prone areas habang nananatili sa loob ng bahay sakaling maramdaman ang epekto ng Bagyong Dante.