LEGAZPI CITY—Apat na kabahayan sa Bicol ang naitalang partially damaged matapos maapektuhan ng bagyong Crising at habagat.
Ayon kay Office of Civil Defense Bicol Spokesperson Gremil Naz, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tatlo rito ay mula sa bayan ng Jovellar, Albay matapos matumba ang isang puno ng acacia sa kanilang bahay.
Samantala, isa pang bahay ang partially damaged din sa bayan ng Aroroy, Masbate dahil sa isang minor rain-induced landslide.
Dagdag pa ng opisyal na ang nasabing apat na kabahayan ay isasailalim pa sa validation at verification ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, patuloy na binabantayan ng ahensya ang dalawang bagong low pressure area na posibleng makaapekto sa bansa.