LEGAZPI CITY-Dumarami ang bilang ng mga taong sangkot sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga sa Legazpi City, base sa obserbasyon o monitoring ng Legzpi City Police Station.
Ayon kay Police Executive Master Sergeant Carlos Paña ng Legazpi City Police Station, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, patuloy ang kanilang operasyon sa nasabing lungsod dahil marami ang nahihikayat na gumamit at magbenta ng ilegal na droga sa lungsod.
Kung siya ang tatanungin, aniya kumpara sa mga nakaraang taon, ang mga ito ay mas kontrolado at ngayon ay dumarami ang mga taong nasasangkot dito.
Binalaan din ng opisyal ang publiko na itigil ang mga transaksyon kaugnay sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.