The fishermen's group said that the situation of fishermen in various parts of the country is worsening due to the effects of the southwest monsoon and tropical storm Crising and the rumor of a missing sabungero who was allegedly buried in Taal Lake.

LEGAZPI CITY – Sinabi ng grupo ng mga mangingisda na lumalala ang sitwasyon ng mga mangingisda sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng habagat at bagyong Crising at ang sabi-sabi ng nawawalang sabungero na natabunan umano sa lawa ng taal.


Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) Chairperson Ka Pando Hicap sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakatanggap siya ng ulat na may mga naarestong mangingisda sa ilang bahagi ng Mindoro dahil sa ilegal na pangingisda sa ibang municipal fishing grounds.


Samantala, sa ibang rehiyon, talamak ang commercial fishing dahil sa bagong desisyon ng Korte Suprema na payagan silang makapasok sa municipal fishing grounds.


Sa kabila ng kahirapan, hindi nararamdaman ng mga mangingisda na may malasakit sa kanila ang gobyerno dahil hindi nila nararamdaman na nandiyan sila sa oras ng kanilang pangangailangan.


Sinabi ng lider ng grupo na walang aksyon ang gobyerno sa mga pangmatagalang problema na kinakaharap ng mga mangingisda sa panahon ng bagyo at tag-ulan.


Pero umaasa siyang tutulungan ng administrasyon ang mga mangingisda at huwag silang matulog sa realidad na may nangangailangan ng kanilang tulong lalo pa’t kasama sila sa calamity fund kaya dapat na itong gamitin ngayon.


Malinaw na ngayon na inuuna lamang ng gobyerno ang imprastraktura dahil siguradong kikita sila dito kaya mas binibigyan pa nila ito ng alokasyon.


Binigyang-diin ni Hicap na sa kabila ng panganib, napipilitang pumalaot ang mga mangingisda para lamang mabuhay at mabuhay para sa kanilang pamilya.