LEGAZPI CITY—Sumadsad ang isang barge sa baybayin ng San Vicente, Virac, Catanduanes matapos makaranas ng malalakas na hangin at alon sa lugar dulot ng nararanasang sama ng panahon.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Catanduanes, Emergency Operations Chief, Roberto Monterola, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakatakda sana itong dalhin sa dry dock ng dating gobernador na si Joseph Cua upang ayusin ngunit dahil sa malakas na hangin at alon ay naanod ito sa nasabing dalampasigan. 

Ayon sa kanya, umibabaw ang barge sa tila’y bahura sa baybayin ng San Vicente.

Samantala, sinabi ng opisyal na walang mga tripulante ang nasaktan nang sumadsad ang naturang barge.