LEGAZPI CITY-Naiwasan ang pagbaha sa Pioduran Albay dahil sa isinagawang clean up drive ng mga awtoridad bago dumating ang masamang panahon na dulot ng Tropical Storm Crising.

Ayon kay Pioduran Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Head, Noel Ordoña, inihanda nila ang kanilang lugar at walang naiulat na pagbaha dahil sa kanilang pagpapatupad ng mga direktiba sa lahat ng kanal at daluyan ng tubig at sa mga flood prone areas na barangay.

Sinunod nila ang direktiba na maglinis matapos maghanda para sa tag-ulan ngayong buwan hanggang Agosto at Setyembre.

Kasama nila sa pagsasagawa niyo ang kanilang task force, engineering office, at mga opisyal na sumang-ayon sa direktiba para maging epektibo ito.

Sinabi rin ng opisyal na ang disaster management, hindi dapat para sa mga opisyal kundi para na rin sa mga residente.

Bagamat naranasan din ang pagulan sa lugar, nag-resume na ang mga classes sa lugar.

Hindi naman nagkaroon ng pagkansela sa mga biyahe sa mga katulad ng bagong ruta papuntang Masbate

Ipinabatid din ng opisyal na hindi muna papayagan ang mga bangka na pumalaot huli sa delikado pa rin ang lagay ng panahon.